Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘filipino literature’

 

 

 

 

 

 

 

For the new Buod ng Noli Me Tangere: pls check my updated blog: www.noli-me-tangere.com.

Nagkaroon ng isang malaki at marangyang pagtitipon sa bahay ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Halos mapuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago sa Kalye ng Anluwage. 

Ang tanging tumatanggap ng mga panauhin ay si Tiya Isabel na pinsan ni Kapitan Tiyago. Nakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang na iyon sina Padre Sibyla, kura paroko ng Binundok; si Padre Damaso na nakikipag-agawan sa importanteng upuan; Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil at ang isang binatang kararating lamang mula sa Europa.  

Nagkaroon ang bawat pangkat ng panauhin ng kani-kanilang paksa. Ang mga paksa ng mga tauhan o mga panauhin ni Kapitan Tiyago ay tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego matapos magsilbi ng matagal na panahon sa bayan ng San Diego. Naging usapin din ang tungkol sa pulbura at ang pagiging Indio ng mga Pilipino, kabilang na rin ang tungkol sa monopolyo ng tabako. .  <br>Sa kalaunan ng kapistahan ay dumating ang mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina.

Read Full Post »