Nagmasid-masid si Ibarra sa bawat lugar na kanyang madaanan hanggang sa marating niya ang Liwasan ng Binundok. Napansin niya na wala man lamang pinagbago ang buong bayan sa mga taong nakalipas. Pinaalalahan ni Tenyente ang binata na mag-ingat ng hindi ito matulad sa sinapit ng kanyang ama. Sa pakiusap ni Ibarra, isinalaysay ng Tenyente ang naganap sa kanyang ama.
Ayon sa Tenyente, Si Don Rafael Ibarra ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Iginagalang ng iba at kinaiinggitan naman ng iba. Bagamat may lahing kastila ang kanyang ama, hindi pa rin ito nakaligtas sa inggit at galit ng ibang mga kastila lalong lalo na ang pari na si Padre Damaso. Ang galit nito sa kanyang ama ay nagsimula sa hindi pangungumpisal ng huli. Kasunod noon ang mga paratang na pinatay umano ng kanyang ama ang isang mangmang at isang artilyero na taga-singil ng buwis ng mga sasakyan. Nabilanggo ang kanyang ama dahil sa mga lihim nitong kaaway at mga paratang na gawa-gawa lamang ng kanyang mga kaaway sa pangunguna ni Padre Damaso.
Ang mga bintang ng pari ay taliwas sa tunay na pangyayari. Ang artilyerong iyon ay nagalit sa mga batang nanunukso sa kanya ng ‘ba be bi bo bu’. Sinampal at pinagsisipa ng artilyero ang isang batang kanyang naabutan. Nakita iyon ni Don Rafael at kinagalitan niya ang artilyero, na binalingan naman si Don Rafael. Pinagtanggol ng huli ang kanyang sarili at sa hindi malamang dahilan, sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Nabagok ang ulo nito sa isang tipak ng bato at nagduduwal ito hanggang sa nawalan ng malay at napugto ang hininga.
Sinamantala ito ng mga pari at pinaratangan si Don Rafael na erehe at pilibustero, pinakamabigat na parusa sa panahong iyon. Dinagdagan din ng kanyang mga kaaway ang mga paratang sa kanya sa pagsasabing siya ay nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat tulad ng El Correo de Ultramar at mga dyaryo. Nagtatago rin daw siya ng mga larawan ng mga binitay na pari, nangangamkam ng mga lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Ayon sa Tenyente, gumawa siya ng paraan upang matulungan si Don Rafael at sumumpa siya na ito ay marangal na tao. Siya rin ang kumuha ng marangal na abogadong Pilipino na si G. A. at G. M. Napatunayan ng mga abugado na ang ikinamatay ng artilyero ay ang pamumuong dugo sa ulo nito. Nalagpasan ni DOn Rafael ang mga paratang na iyon ngunit ang sama ng loob na kanyang tiniis ay hindi nakayanan ng kanyang katawan. Malapit na siyang lumaya mula sa loob ng bilangguan ngunit hindi na niya ito natamasa sapagkat nalagutan siya ng hininga sa loob mismo ng bilangguan.
Bilang pagwawakas, inihabilin ng Tinyente na bahala na si Kapitan Tyago na magsalaysay ng iba pang mga pangyayari. Nagpaalam na at sumakay si Ibarra sa kalesa.
Pag-isipan* Ano ang ikinaiinggitan ni Padre Damaso kay Don Rafael?
* Ang yaman, katanyagan at ang respetong pinamamalas sa kanya ng mga tao sa lugar na iyon.



ang galing po thankz natuto ako!
amm asan na poe ung kabanata V -VI? nid lang poe weh pde poe paki post na
thanks poe
u help a lot
plz po….ip0st ny0 na ang kabanata 5-64..plzzzzz..need it for our pr0ject